What will you do for love? I know the question is overrated. Masyado na madaming beses binigkas ang tanong na ito. May mga sagot na oh so sweet, kulang na lang eh ilathala na rin ito kahanay ng nobela ng Twin Hearts, Cupid, Romance at kung anek anek pa. Nariyan din ang mga pang-MMK na tragedy ang effect. Kung ako tatanungin mo, hindi ko masasabi kung ano kaya ko gawin para sa pag-ibig. Pero dasal ko lang, mamayani sana ang tamang pag-iisip sa mga pagkakataong kailangan magdesisyon kung hanggang saan ang kaya ko gawin para sa pag-ibig.







